TRAVEL DESTINATION: Kota Kinabalu, Malaysia
TRAVEL DATE: February 21-24, 2011
yey sa wakas naupload ko na rin ang saksakan ng daming photos ng kk trip namin.. hehe.. syang ung last day pics namin kasi nacorrupt... andun pa naman yung bongang cake ng secret recipe.. :)
anyway... the trip is super duper as in fun.. infairness sa first trip kong ito sobrang lucky namin during those days.. lots of discounts and super fun experience tlga... mejo kinbahan pa namin kami kasi prior to our trip ang daming aberyang nangyari... buti na lang ladyluck smile onto us during those days kaya bonga ang birthday vacay!
this trip is full of coincidence... lucky coincidences... 1st yung ticket namin... supposedly we planned to go to bora kaya lang wlang murang ticket.. then we came across air asia.. tapos wala kaming credit card to book the 3k plus ticket nila.. so we waited na lang for monday... luckily.. dahil sa paghihintay namin saktong may 0 fare promo sila (as in ZERO) tax lang ito teh... the ticket cost.... PHP550.00 back and forth! bonga tlga... kahit matagal paghihintay (9months) keri lang kasi sakton birthday month naman namin.. ang saya!
bago kame umalis may mga aberyang nangyari which resulted to low fund.. buti na lang mura lang ang mga keme dun.. umabot lang ng almost 11k yun nagastos ko kasama na lahat... sobrang daming discounts na nakuha namin... from island hopping, food (ndi kame nagnoddles! hehe) and pasalubong even fares going around (though most of the time lakad lang kami kasi malalapit lang!) sobrang saya tlga...
DAY 1 - sayang yung libreng shuttle sana namin from the airport.. ndi kasi dumating yung confirmation namin from the lodge. pero ok pa rin kasi nice naman si manong driver.. tpos very honest sila sa price ng fare.. so ok lang.. pagdating sa lodge binaba lang namin ung mga gamit namin.. konting freshen up and go na sa labas.. dahil malapit lang ang hotel sa mall xiempre binisita na namin sila.. tas we had dinner at La Manila.. sarap ng food kaya lang weird ng lasa ng sprite... hehe.. after magikot ikot balik na sa hotel to upload photos (may libreng net connection sa hotel at libre gamit rin ng pc!) and xiempre para magpahinga na for the next day!
DAY 2 - we decided na mag island hopping na kasi baka magkaron na ko (buti na lng napapakiusapan xa.. pagbalik pa ng manila dumalaw! hehe) we headed to jesselton for the island hopping pero xiempre dahil mababait mga tlga lavender (that's the lodge) nag ask muna kami how to go there and mga tips for the island hopping... lucky for us kasi meron palang discount coupon na pinamimigay sa lodge.. we save some ringgits! yey! pag dating namin ng jesselton may pilipinong kumausap samin... sakto naman na dun pala xa nagtratrabaho sa designated booth na dapat naming puntahan for the tour.. pagkatapos ng kwentuhan at picture taking another discount! this time ung mga gadgets nman namin the snorkling and vest.. hehe.. saya tlga... tas mga crew sa ferry can speak tagalog din kaya bongga!
we visited sapi island and manukan island. for me mas gusto ko sa sapi kasi mas maganda yun dagat.. as in yun mga fishes nakikipaglaro sau... sa manukan kasi though maganda yung sand, maxado na xang commercialized tas kakatakot pa yun dagat... parang kakainin ka.. hehe.. besides may super duper cute na foreigner sa sapi kya bet ko tlga dun... ang ganda pa ng mga pics ko... bwahaha... ang kapal lang
we had lunch at manukan.. dun lang kami kumain sa mumurahing cafeteria.. masarap naman tas malaki pa ang serving for only rm4.50.. walang pics yun kasi nakalimutan namin sa sobrang gutom.. hehe.. yung potato chips na lang meron..
for the island hopping you can decide what time ka susunduin ng ferry from one island to the other and back to the port... aus... nung time ng uwian grabeng experience... galit sa dagat ang crew ng ferry.. pumapatok.. parang driver lang ng stop and shop na jeep.. hehe
at the port ulet.. tinikman namin ung gelato nila... sobrang yummy!!!! as in tlga... hehe.. at dahil sa kakalangoy ko at gutom na ulet kami... we headed back to lavender...
dinner is at sedco complex sa tapat ng lodge... para xang dampa dito satin.. pero ang paluto dun walang bayad! yun lang bibilhin mong seafood... we were able to purchase a kilo of crabs for only rm8.80... sobrang best buy... tas ang sarap ng pagkakaluto.. the best tlga!
DAY3 - 1borneo... mejo malayo na xa sa city proper pero ok lng kasi may libreng shuttle naman going there and xiempre sila na rin maghahatid sa inyo pabalik... we went there kasi walang size ng sapatos sa charles and keith and sabi ng sales dun punta na lang kami 1borneo para mas maraming choices.. since ndi namin makita ung terminal ng free shuttle nagcommute kame papunta dun.. sabi ng tlga lodge rm1.50 daw un pamasahe pero rm1.00 lng siningil samin.. aus.. discount na nman... hehe.. ok yung mall... ang laki tas pde kang pumasok kahit sarado pa yun mga stores.. hehe.. kaya siguro di uso mga guards sa kanila.. dito narin kami namili ng ibang pasalubong... at dito ko rin nabili ang bongang ferrero ko na buy 1 take 1 sa halagang rm55.00.. ang saya tlga.... hehehe... supposedly we will visit sana the museum sa isang university dun.. kaya lang its open everyday except wednesday! hehe.. saktong wednesday pa naman (anak ng tokwa!)
after nito balik na kame sa city to do shopping pa ulet.. we went to filipino store para mamili ng additional pasalubong.. dami rin naming discounts dito kasi madaming pinoy (tska dinaan namin sa ganda at charm! chos!) i was able to buy a pearl bracelet for only rm17 na ang regular price eh rm45.. super tawad tlga kami kasi nga limited budget eh.. tska kuripot kame noh.. hehe.. tas we went sa may seaside para bumili ng dinner... lapu lapu and pusit... aus tlga mga food sa kk.. ang mura na ang sarap pa.. wala lang kaming pics dito kasi parang ndi safe magdala ng camera and besides sino nman mkakaalalang magpicture kung nagshoshopping ka na di ba?! hehe.. tas mall ulet.. then we went to secret recipe.. ang sarap ng cake!!! the best!
DAY 4 - last day na parang ayaw na namin bumalik kasi sobrang sarap ng buhay dun.. hehe.. morning shopping tas we went dun area ng mga resto bar.. sayang nacorrupt un mga pics.. ang dami ko pa namang posing dun.. hehe.. then its time to go back to the hotel para magbyahe na papuntang airport.. nagbus lang kami kasi pde naman pala un.. mejo mahal din ang teksi compared sa bus na 1.50rm lng.. at 2pm we said our goodbyes to kk na.. pero for sure babalik kami ulet dun... :)
sobrang fun ng experience na to... as in tlgang bongang bongang nagenjoy ako kahit na nag 8days straight akong pasok kasi walang vl at kinailangan kong magswap.. sulit na sulit tlga.. sana marami pa ko mapuntahang ganito rin ka the best! or sana mas higit pa!